
Source: http://avajean.tumblr.com/post/273985349/via-wrists
Nanumbalik uli yung hilig ko sa tv kahit nga commercials pinapanood ko.
Naiirita na nga ako sa iba’t-ibang versions ng commercial ni Vic Sotto ng Tide eh. Paulit-ulit pa.
Kapag nakita ko na ang scene ng kahoy na may apoy, linilipat ko agad ng channel bago ko pa man marinig ang boses ni Regine. Ayaw ko talaga ng tv ad campaign ni Noynoy.
Miss ko na yung ABS – CBN Christmas Station ID eh, bihira na maipakita dahil sa mga lecheng political ad na yan.
Oo na, fan ako ng Melason. Nakakainis nga kasi sabi ni hubby wala daw gusto si Jason kay Melissa. Hmp.
Minsan nalingat ako, nakita ko may mga malalaking ahas na halata namang peke tapos biglang dumating si Darna. Shet, bat ako nandito. Lipat, lipat. Hindi ako nanonood ng GMA 7. Ever. Kahit noong teenage days ko pa.
Mabuti naman malapit na ending ng Lovers in Paris. KC-Piolo. Yuck. Isang bading at isang mukhang bading. Zanjoe lang pinapanood ko dun eh.
Dahil sa kakapanood ng PBB, hindi ko na alam tuloy kung anong nangyari sa Project Runway Season 2. Sabay kasi kanilang oras.
Eto namang mahal na mahal kong asawa kapag nanonood na ng Top Plays ng NBA nagiging bulag at bingi. Nakatulala. Hindi makausap. Tapos biglang sisigaw kapag may nag dunk or something. Baliw ba. Heh.
Pero natutuwa naman ako kasi #7 pa rin jersey number nya sa basketball. Bday ko yun. Kilig ako cyempre kahit pasimple. Shh.
Hay, ocia balik tv tayo. Hilig ko rin manood ng news CNN, etc. And yes, I condemn the Magindanao Massacre. Sana nga mabigyan eto ng totoong hustisya.
Siyanga pala, sa HBO ko lang nakita na ang bida pala sa Lethal Weapon movies ay si Mel Gibson akala ko dati si Bruce Willis :p Ay, Die Hard pala yun.

Recent Comments:
belle: hi pips,sana ds wl help my probs.i was regterd kc online banking sa union bank.i was done it wd easy way…but!! wn i am about to...
glentot: I kept quoting this too: Summer: I woke up one morning and I just knew. Tom: Knew what? Summer: What I was never sure of with you.
jc: me too! im waiting for my money and napaka inefficient ng mga tao doon…