![]() |
|
|
|
|
|
|
|
|
Warning: Rant ahead.
Nakakalula na magbasa ng mga blog entries ngayon. Lalo na yung Malu Fernandez issue. Just like everyone else, hindi ko gusto ko ang naisulat ng nasabing writer sa kanyang article. But unlike everyone else, tama na. Marami na ang nasabi at may mga nag aaway-away pa sa differences ng opinion. Enough na. OA na ang mga reactions. Taken for granted na masyado ang freedom of speech. Obvious na obvious din ang pataasan ng ego at ang hindi pagkakaisa.
Hindi na rin nakatutuwa basahin ang mga blog posts kasi naman pag-click mo sa permalink, ang haaaba ng entry (Alam nyo ba na 80% of readers are usually bored sa super loong entries) pagkatapos sasamahan pa ng sangkaterbang listahan ng related links or ang tinatawag na others who blog about it. Idagdag mo pa ang mga 30 to 50+ comments na kung saan ang iba pang comments ay equivalent na rin to another blog entry sa haba. Then sa mga sidebars mayroon pang ibang information plus the advertising ads.
Ang resulta:
Cluttered na. Hindi na eye friendly. Sumakit ang ulo ko. Close the window.
Ang hirap palang bumangon sa umaga lalo na’t alam mong holiday pero may pasok ka sa trabaho at umuulan pa. That’s why – late na naman ako. As usual.
Kamusta naman feel na feel ko ang linggo ng wika dito sa blog ko ngayon. Lahat ng nag co-comment ay wikang Filipino din. Medyo mahirap nga lang pero nakakatulong na din para maisaayos ko ang barok kong Tagalog. Isang linggo na lang, back to regular programming na din tayo. September na… hmm, apat na bagay lang ang naalala ko kapag malapit na ang “ber” na buwan. Una, yung fiesta sa hometown ko (Peñafrancia) hindi nga lang ako sure kung makaka-uwi ako. Pangalawa at pangatlo yung birthday ng Papa at Mama ko sa October & November. At pang-apat – abah cyempre, Pasko na! Hay, ang bilis noh?!
Pumunta nga pala ako sa Taste of Asia Part 2 with the boyfriend. Ang sabi, bloggers party daw yun pero ewan ko… siguro hindi ko lang masyadong feel kasi wala ako sa Part 1. Para akong nanood ng pelikula na hindi alam kung ano ang nangyari. Ano yun? Ba’t ganun? Sino siya? Sino ako? Tara, uwi na tayo.
Or siguro may topak lang talaga ako noong araw na yun. Kaya ang new note to self ko ngayon: Never go to parties /events kapag may PMS at weekdays dahil pagod ka sa trabaho lalo na’t kung ito’y after office hours at may pasok pa kinabukasan.
Bukod doon ay fashionably late na naman ako kaya’t konting konti din lang ang link love ko ngayon. Here are the bloggers na nakapag hi-hello ako kahit papaano: Marc, Jun, Juned, Jozzua, Shari (nakilala ko na din ang kanyang cute na kapatid si Robby), Chris and hsi wife Apple, Darwin, LA, Jomar, Ganns, Jedi, Jouel at nakita ko din yung mga dating officemates ko. And of course yung gorgeous friends ko din: Mae, Riz and Joni. Meron pa kaming tatlong kasama, ang kaso hindi naman ipinakilala ni Joni (bleh). Ang nasabing event nga pala ay sponsored ng SM Hypermarket.
What I have here are happy accidents designs, free verse in spontaneity, unconventional shots, twisted angle and unsung beauty of whatever-ness.
Wordpress, XHTML, PHP, CSS, Adobe CS; Macromedia, Creativity, Inspiration