Makin' love in a world of vivid colours of bliss, music, professional blogging,
fashion, milk, arts, shoes, movies, prose, free verse, photography, & whatnot.

» Photography
» Creative web designs and inquiries, email us at info(at)wellwhatever(dot)com
» Blogirl Award 2007
» Wedding Planning Blog
» Fashion, Web Design and Women
» 7 are Online


What’s your Colorscope?

Posted by: Design, Arts and Interiors | 2009-06-24 | Comment »

Mine are these two below:


Find your colorscope here.





Bat ganun

Posted by: But That's Just Me | 2009-06-23 | 4 Comments »

Bat ganun.

May mga taong masyadong sensitive, feeling laging inaapi at laging misinterepretation ang nasasagap na signal. Eto rin kadalasan yung hindi marunong tumanggap ng kritiko,  komento o suhestyon.

Meron rin naman iba na masyadong epal, yung gusto palagi siyang may say at papel para lang ipaalala na may essence ang existence niya at hindi lamang siya isang hamak na furniture sa earth.

Kasamahan din nito yung mga righteous na lahat na lang na makikitang saliwat  sa kanyang  sariling paningin at panlasa ay kinukutya.

Hindi rin siyempre magpapahuli yung mga excited mag reiterate na sila  ay tama at sila ang may pinakamagandang opinyon sa sanlibutan.

Pinsan nito ay- yung ipipilit talaga ang sariling opinyon at argumento without considering other factors kahit pa ikamatay niya eto.

At dahil sa mga yan, lalabas na rin yung mga taong pikon. Makikipag-away.  Makiki-debate. Hanggang sa personalan na ang kinahahantungan.

Although meron din talagang iba na walang pakialam sa sociodad at communidad kahit pa mag gyera ang nasa paligid nya dahil ang iniisip lamang niya ay ang sarili kapakanan.

Nakakaloka rin yung mga trying hard, kapatid ni epal to eh, yung pilit na makikisawsaw para kunwari sikat din siya kasi nakikisalamuha at may exchange of conversation na siya sa mga sikat.

Meron din yung mga eengot engot na ignorance of everything ang drama at ayaw maging informative. Kabaligtaran nito kasi ay yung iba naman na isa ring excited na ipaalam sa mundo na siya ay isang gifted right and bright.

Siyempre meron din yung mga sarcastic at yung mga taong dinadaan ang karamihan ng bagay sa just -for-fun sa kadahilanang well, hindi natin alam.

Hindi rin papatalo yung mga bitter na kahit kelan ay hindi magiging masaya for you.

O kaya yung mga taong double negative kagaya ng word na irregardless na ang tanging nakikita lamang ay ang lahat ng panget sa mundo.

O kaya yung mga taong insecure na nakatira sa hatred community na naiinis sayo and everything about you kahit wala ka namang ginagawang masama sa kanila – yun bang tipong wala lang naiinis lang siya sayo and yeah you just have to deal with it.

O kaya yung mga feelingers na wala ng ibang ginawa sa mundo kundi pagkatiwalaan lang ang feelings nya. Yung tipong feeling niya maarte ka at mayabang kaya ayaw niya sayo. O kaya feeling niya sinungaling ka at kung ano ano pang feeling.

Andyan rin yung mga winner na ever proud winner. At yung losers na hindi matanggap na siya ay loser. Idagdag na rin natin ang mga gaya-gaya, OA, mapag-panggap, inggitera, tsismosa,  ksp,  atbp.

Bat ganun.

Ang hirap lagyan ng question mark.

Mahirap bang maging cool lang. Yung tipong hindi ka naman anghel sa sobrang nice, pero hindi ka rin epal, hindi OA, hindi insecure, hindi trying hard, hindi nangkukutya, hindi pala-away, hindi papansin, alam mo ang meaning ng “to each his own”  and syempre at the same time hindi ka rin sobrang sensitive o pikon  at kayang tanggapin ang kritiko at pagbabago.

Hay ewan ko sainyo. Ngayon ko lang napagtanto na nakakapagod pala ang trabaho ng isang psychologist o sociologist. Imagine buong oras nya iguguhol lamang sa stress sa pag analyze ng mga walang entang personalidad ng isang indibidwal o ng isang sociedad.







Wellwhatever.com | Personal blog Liz Buenaflor-Flores.
Copyright 2011 All Rights Reserved © Wellwhatever.com
Wedding Blog | Bliss, Web Design, Fashion & Women


BLESS ME :)

fashion, shoes, and bags.



CREATIVE ADS
Wellwhatever offers advertising through banners and promos. Inquiries? Email us at info(at)wellwhatever(dot)com.
WHATNOT

What I have here are happy accidents designs, free verse in spontaneity, unconventional shots, twisted angle and unsung beauty of whatever-ness.

SITE INGREDIENTS

Wordpress, XHTML, PHP, CSS, Adobe CS; Macromedia, Creativity, Inspiration

FRIENDS
click here >>
BEAUTY & FASHION


Lizbeth Buenaflor-Flores
Copyright 2012
All Rights Reserved
© Wellwhatever.com

"Certainly you're mine
and it's brighter than sunshine..."
Randell

...
free counters